Eisenhower Executive Office building, Washington D.C., Amerika—Binuksan Pebrero 21, 2019 ang ika-7 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan. Magkasamang pinanguluhan ang seremonya ng pagbubukas nina Liu He, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika, at Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Mula ika-21 hanggang ika-22 ng Pebrero, 2019, idinaraos ang ika-7 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan. Sinimulan na ng dalawang panig ang talakayan sa mga gawain mula noong ika-19 ng buwang ito.
salin:Lele