Nag-usap sa telepono kamakalawa sina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Taro Kono, Ministrong Panlabas ng Hapon. Tinalakay nila ang hinggil sa denuklearisasyon sa Hilagang Korea, at pakikipagkontak sa bansang ito sa susunod na hakbang.
Sa ika-27 at ika-28 ng buwang ito, idaraos sa Hanoi, Biyetnam, ang ikalawang pagtatagpo nina Pangulong Donald Trump ng Amerika, at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea. Nauna rito, ilang beses na tinalakay ng Amerika at Hapon ang hinggil dito.
Salin: Liu Kai