Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-22 ng Pebrero 2019, ni Cecilia Malmström, European Commissioner for Trade, na kung papatawan ng Amerika ng karagdagang taripa ang mga kotse mula sa Unyong Europeo (EU), agarang sususpendihin ng EU ang talastasang pangkalakalan ng dalawang panig.
Winika ito ni Malmström sa panahon ng paglahok sa di-pormal na pulong ng mga ministro ng kalakalan ng EU. Sinabi niya sa media, na sa pagsasanggunian noong isang taon, nagkasundo ang EU at Amerika, na sa panahon ng talastasan, hindi dapat patawan ng kapwa panig ng anumang karagdagang taripa ang isa't isa.
Sinabi rin niyang, ang bagong kasunduang pangkalakalan ng EU at Amerika ay sasaklaw lamang ng mga produktong industriyal, at hindi nakalakip ang mga produktong agrikultural.
Salin: Liu Kai