Ipinahayag Pebrero 25, 2019, ni Wang Zhaoxing, Pangalawang Tagapangulo ng China Banking and Insurance Regulatory Commission (CBIRC) na nitong dalawang taong nakalipas, napangalagaan ang seguridad at katatagan ng pinansyo ng bansa, at sa kabuuan napigilan ang hamong pinansyal. Isiniwalat din niyang pinag-aaralan ng mga departamento ang bagong hakbangin ng pagbubukas ng pinansyo.
Sa kasalukuyan, kasabay ng pagpigil ng hamon, pinasusulong ng Tsina ang kasiglahan ng pamilihang pinansyal at pinatataas ang kakayahang kompetetibo ng sistemang pinansyal sa pamamagitan ng walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Nauna rito, ipinalabas ng Tsina ang 15 hakbangin ng pagbubukas sa labas.
Salin: Lele