Nagpulong nitong Martes, Pebrero 26, ang punong lehislatura ng Tsina bilang paghahanda sa taunang sesyong lehislatibo na gaganapin sa paparating na Marso.
Nangulo sa nasabing pulong si Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Sa dalawang araw na pulong, naka-iskedyul na suriin ng 171 miyembro ng punong lehislatura ang work report ng komite para sa taong 2018, at balangkasin ang agenda at listahan ng presidium, pangkalahatang kalihim at non-voting delegate ng ikalawang sesyon ng ika-13 NPC. Nakatakdang buksan Marso 5 ang nasabing sesyon.
Susuriin din sa idinaraos na pulong ang dalawang ulat na may kinalaman sa pagkontrol sa polusyon at pagpapahupa ng karalitaan ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade
Pulido: Rhio