Binuksan kahapon, Linggo, ika-3 ng Marso 2019, sa Beijing, ang Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Bilang punong tagapayong organong pampulitika ng Tsina, ang CPPCC ay mahalagang paraan ng pagsasakatuparan ng bansa ng demokrasiyang bayan. Sa pamamagitan ng konsultasyong pulitikal, demokratikong pagsusuperbisa, at paglahok at pagtalakay sa pamamahala sa mga suliraning pang-estado, lubos na ipinakikita ng CPPCC ang bitalidad ng sosyalistang sistemang demokratiko.
Ang CPPCC ay mahalagang bahagi ng sistema ng pangangasiwang pang-estado ng Tsina. Ang mga kagawad ng CPPCC ay galing sa iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Tsina. Sila rin ang mga sikat na tao sa iba't ibang larangan, at dalubhasa sa kani-kanilang trabaho. Maari silang magharap ng mga propesyonal na palagay at mungkahi sa iba't ibang suliranin ng bansa, lalung-lalo na sa mga mahalaga at mahirap na isyu hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhaya't lipunan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa. Ang kanilang mga palagay at mungkahi ay tinatanggap ng pamahalaan, para sa mas mabuti at mabisang pagtatakda at pagsasagawa ng mga patakaran at hakbangin.
Ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPPCC. Pinatutunayan ng 70-taong kasaysayan na ang CPPCC ay isang pangunahing plataporma para maunawaan ang pambansang kalagayan at opinyong publiko ng Tsina. Ito rin ay pinaka-representatibong nagkakaisang prante na makakatulong sa pagbuo ng malusog na kapaligiran para sa pambansang pag-unlad ng Tsina.
Hindi iisa lamang porma ng demokresiya sa mundo. Ang modelong Tsino na may pinagsasamang Pambansang Kongresong Bayan at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino ay nagkakaloob ng walang-tigil na lakas sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Pinasusulong din nito ang pagsasakatuparan ng dakilang pagbangon ng nasyong Tsino.
Salin: Liu Kai