Binigyan-diin Marso 5, 2019 ng Government Work Report na iniharap ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), patuloy na isasagawa ng sentral na pamahalaan ang mga prinsipyo ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," "pamamahala ng mga taga-Hong Kong sa Hong Kong," "pamamahala ng mga taga-Macao sa Macao," at "mataas na lebel ng awtonomiya."
Anito, dapat gamitin ng HK at Macao ang pagkakataon ng Belt and Road Initiative at pagtatatag ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area para mapalalim ang kooperasyon ng mainland, HK at Macao.
Inulit din ng ulat ang prinsipyo sa Taiwan. Binigyan-diin nitong dapat palalimin ang magkasanib na pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at patuloy na palawakin ang pagpapalitang kultural.
Salin: Lele