Sa pagtataguyod ng Press Center ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, idaraos alas-10 bukas ng umaga, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, ang preskon para sagutin ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, hinggil sa temang "patakarang diplomatiko at relasyong panlabas ng Tsina."
Isasagawa ng China Media Group ang live coverage sa preskong ito, sa pamamagitan ng iba't ibang media platform nito sa walong wikang, gaya ng Mandarin, Ingles, Hapones, Koreano, Arabe, Rusyano, Pranses, at Espanyo.
Salin: Liu Kai