Sa preskon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-7 ng Marso 2019, sa Beijing, ipinahayag ni Liu Kun, Ministro ng Pananalapi ng bansa, na ang pagsasagawa ng mas malawak na pagbabawas ng buwis at singil sa mga bahay-kalakal ay pangunahing tungkulin ng kanyang ministri sa taong ito.
Sinabi ni Liu, na ang naturang hakbangin ay para palakasin ang kompiyansa ng mga bahay-kalakal at pamilihan, at patatagin ang paglaki ng kabuhayan. Dagdag pa niya, buong sikap at buong taimtim na isasakatuparan ng kanyang ministri, kasama ng ibang mga may kinalamang departamento, ang target na iniharap sa Government Work Report, na bawasan nang halos 2 trilyong yuan ang buwis at singil sa mga bahay-kalakal.
Salin: Liu Kai