Ipinahayag Miyerkules, Marso 6, 2019 sa Beijing ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, igigiit ng Tsina ang ideya ng bukas na pag-unlad at pundamental na patakaran sa pagbubukas sa labas, at pauunlarin ang bukas na kabuhayan sa mas mataas na antas, upang likhain ang mas magandang kapaligirang pangnegosyo para sa puhunang dayuhan.
Winika ito ni Ning sa news briefing ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Dagdag niya, sa taong 2019, ilulunsad ng Tsina ang mga mas bukas na hakbangin sa mga larangang gaya ng agrikultura, industriya ng pagmimina, industriya ng pagyari, at industriya ng serbisyo, at pahihintulutan ang eksklusibong pamamalakad ng puhunang dayuhan sa mas maraming larangan. Pag-iibayuhin din aniya ang pagbabawas ng negatibong listahan ng foreign investment access, at patuloy na isasagawa ang mas malawak at mas bukas na pagsubok sa mga pilot free trade zone. Bukod dito, ilalabas ng Tsina ang bagong listahan ng mga industriyang hihimok ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, para mapalawak ang larangan ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal.
Salin: Vera