|
||||||||
|
||
Sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na nasa konsepto ng pagkokomplimento at pagtatagpo ang esensya ng BRI ng Tsina; Build, Build, Build, (pambansang programang pangkaunlaran ng Pilipinas); at ASEAN Vision 2020, (pangkalahatang programang pangkaunlaran ng ASEAN).
Winika ni Embahador Sta. Romana ang nabanggit na pananaw, Marso 5, 2019, sa okasyon ng taunang sesyong lehislatibo ng Tsina na idinaraos ngayon sa Beijing.
Paliwanag ni Sta. Romana, ang pagkokomplimento at pagtatagpo ng naturang tatlong programa ay nasa konektibidad sa pamamagitan imprastruktura.
Aniya, dahil sa napakagandang ugnayang Pilipino-Sino, at ASEAN-Sino, makikita ang presensya ng BRI ng Tsina sa malalaking proyektong pang-imprastrukturang naglalayong ikonekta ang Luzon, Visayas at Mindanao, pati na ang buong Timogsilangang Asya.
Nariyan aniya ang mga ginagawa at gagawing mga tulay, kalsada, daambakal at paliparan sa Luzon, Visayas at Mindanao, mga daungan at daambakal sa Timogsilangang Asya at marami pang iba.
"Lahat ito ay magkakabit-kabit, at iyong pagkakabit-kabit ay iyong pagtatagpo ng Build, Build, Build; BRI at ASEAN Vision 2020," sabi ng embahador.
Dagdag pa ni Sta. Romana, sa ilalim ng konektibidad sa pamamagitan imprastruktura niya nakikita ang pagkakaroon ng mas maraming kooperasyon at pagtutulungan ang Pilipinas at Tsina; at ASEAN at Tsina.
Ang BRI ay pangkalahatang programang pangkaunlaran na ipinanukala at isinusulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, upang paunlarin ang bansa, pati na ang buong rehiyon at daigdig.
Sa pamamagitan ng BRI, nais ng Tsinang maitayo ang "Community with a Shared Future for All Mankind."
Ang BRI ay isa sa mga isyung tinatalakay sa idinaraos na Liang Hui o Dalawang Sesyon. Ang Liang Hui ay tumutukoy sa taunang sesyon ng Pambansang Kogresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, at taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pulitikal ng bansa.
Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |