Ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na mas marami ang kooperasyon kaysa sa pagkakaiba sa relasyong Sino-Amerikano. Ipinahayag din niya ang optimismo ng Tsina sa relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Sa preskon ngayong umaga ng idinaraos na ikalawang taunang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sinabi ni Wang na dumarami ngayon ang problema at alitan sa pagitan ng Tsina't Amerika, pero, sa pangkasaysayan at pangmatagalang pananaw, hindi ito pangunahing tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Diin ni Wang, mataas ang lebel ng integrasyon ng mga interes ng Tsina't Amerika. Halimbawa, noong 2018, lumampas sa 630 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan, umabot sa mahigit 240 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa isa't isa, at mahigit 5 milyong biyahe ang ginawa ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Bukod dito, halos lahat ng mga transnasyonal na kompanyang Amerikano ay may negosyo sa Tsina at halos lahat ng mga estado ng Amerika ay nagkakaroon ng kooperasyon sa Tsina, dagdag pa ni Wang.
Salin: Jade
Pulido: Mac