|
||||||||
|
||
Si Glenn G. Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina
"Sa taong 2018, ang Tsina ang siya nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas," ito ang ipinahayag, Marso 11, 2019, ni Glenn G. Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG).
Ani Penaranda, ang puhunang ibinuhos ng Tsina sa Pilipinas sa nasabing taon ay nagkakahalaga ng Php50.69 bilyon (US$975 milyon). Ito ay tumaas ng 2,072%, kumpara sa Aprubadong Dayuhang Puhunan noong taong 2017, na nagkakahalaga lamang ng Php2.3 bilyon. Winewelkam aniya ng Pilipinas ang nasabing pag-unlad dahil lilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ng diplomata, malaki ang kinalaman ng naturang pagsulong sa patuloy na paglakas ng kooperasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.
Ini-ugnay rin ni Penaranda ang pag-unlad na ito sa mga polisiyang pinag-u-usapan sa idinaraos na Liang Hui o Dalawang Sesyon, tulad ng pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga puhunang dayuhan, kagustuhan ng Tsina na maglagak ng puhunan sa mga kapitbansa sa Asya, pagpapa-ahon sa lahat ng Tsino mula sa kahirapan, paglinis ng kalikasan, Belt and Road Initiative (BRI), at pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Bandila ng Pilipinas at Tsina
Paliwanag ni Penaranda, dahil sa magandang tunguhin ng ekonomiya ng Tsina at episyenteng mga polisiya, patuloy na tumataas ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa mga kapitbansa, lumalakas ang pangangailangan upang maglagak ng puhunan sa labas, at nagbubukas ang ekonomiya ng Tsina sa mga puhunang dayuhan.
Dahil dito, ang pagluluwas aniya ng Pilipinas sa Chinese mainland at Hongkong noong 2017, ay umabot sa US$15.54 bilyon, at ito'y mas mataas ng 17.84% kumpara sa tinalikdang taon. Samantala, ang pag-aangkat naman ng Pilipinas mula sa Chinese mainland at Hongkong sa parehong taon ay nagkakahalaga ng US$18.06 bilyon.
Dahil dito, napababa ang trade deficit ng dalawang bansa sa mga US$2.5 bilyon na lamang.
Dagdag pa ni Penaranda, noong 2018, ang pagluluwas ng Pilipinas sa Chinese mainland at Hongkong ay nagkakahalaga ng US$18.3 bilyon, at ito'y mas malaki ng 7.1% kumpara sa tinalikdang taon.
Ang nasabing datos ay katumbas ng 27% ng lahat ng pagluluwas ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Sa kabilang dako, sinabi ni Penaranda na batid ng Pilipinas ang mga pagbabago sa pandaigdigang entablado ng pamumuhunan at negosyo, pati na rin ang mga naka-umang na balakid sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig; kaya naman, sinusubaybayan aniya ng Pilipinas ang mga pangyayari sa Liang Hui o Dalawang Sesyon dahil ang mga resulta mula rito ay magkakaroon ng makabuluhang epekto sa relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina; ASEAN at Tsina; at daigdig at Tsina.
Kaugnay nito, sinabi niyang patuloy na lalaki ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, at nagpahayag na ng interes ang Tsina sa pag-aangkat ng mas marami pang produkto mula sa Pilipinas.
Kabilang sa mga isinusulong na mga produkto at serbisyo ng Pilipinas ay: mga produktong mula sa niyog; mga pagkaing-dagat; prutas; dekorasyon sa bahay; pambabaeng bag at kasuotan; mga mineral; elektronikong bahagi; bahaging pang-makina ng sasakyan; serbisyo ng turismo; Ingles bilang pangalawang wika; serbisyong pang-IT at marami pang iba.
Dagdag pa ni Penaranda, dahil sa patuloy na paglaki ng pag-aangkat ng Tsina mula sa Pilipinas, kinailangan ng Pilipinas na pataasin ang kakayahan nito pagdating sa kapasidad sa produksyon, upang maka-agapay sa pangangailangan, at para rito tumutulong din ang Tsina.
Aniya, para ipasilita ang mga puhunang Tsino sa Pilipinas, pinirmahan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) ng Pilipinas at Ministry of Commerce (MOFCOM) ng Tsina noong Nobyembre 2017 ang Memorandum of Understanding (MOU) Para sa Pagdedebelop ng mga Parkeng Industriyal.
Tanggapan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) ng Pilipinas sa Beijing
Para maging espisipiko ang pagdedebelop ng Processing/Manufacturing-oriented na Parke, Pot-neighboring na Parke, Agribusiness/Agro-industrial na Parke, Resource-based Processing na Parke, Pansiyensiya't Panteknolohiya at Industriyal na Parke, pinirmahan din ng dalawang panig ang "Pangkooperasyong Programa" noong Nobyembre 2018.
"Ang mga parkeng industriyal ay ang magiging tahanan ng mga puhunang Tsino sa Pilipinas," ani Penaranda.
Ang Liang Hui ay tumutukoy sa taunang sesyon ng Pambansang Kogresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, at taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pulitikal ng bansa.
Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |