Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, nakahanda ang bansa na ibayo pang palalimin ang mga reporma para mapasulong ang pambansang inobasyon at balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar.
Ito ang desisyon ng ika-7 pulong ng Komite Sentral sa Panlahat na Pagpapalalim ng Reporma na ginanap sa Beijing nitong Martes, Marso 19. Lumahok sa pulong ang lideratong Tsino na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinping.
Kabilang sa mga tampok sa pulong ay patuloy na pagtatatag ng inobatibong bansa sa pamamagitan ng pagpapatingkad ng papel ng mga pamantasan at institusyon ng pananaliksik; pagpapasulong ng malalim na integrasyon ng artificial intelligence (AI) at real economy; pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa larangang pambatas, serbisyong medikal, hanap-buhay, edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa; pagpapalalim ng balanseng pag-unlad ng iba't ibang lugar ng bansa; at pagpapasulong ng integrasyon at pagbabahagi ng public resource trading platforms.
Salin: Jade
Pulido: Mac