Naglayag kamakailan ang dalawang bapor na pandigma ng Amerika sa Taiwan Strait. Ipinahayag Marso 25, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na iniharap na ng Tsina ang representasyon sa Amerika. Umaasa ang Tsina na maayos na hahawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, at iiwasang makasira ito sa relasyon ng Tsina at Amerika at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Aniya, mahigpit na binibgyang pansin ng Tsina ang buong proseso at aktuwal na pagdaan ng mga bapor na pandigma. Hinimok niya ang Amerika na sundin ang prinsipyo ng "Isang Tsina" at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Salin:Lele