Idinaos nitong Martes, Marso 26, local time, sa Berlin, Alemanya ang Porum hinggil sa Pag-unlad ng Karapatang Pantao ng Tsina't Alemanya.
Ang porum na may temang "Kaunlarang Panlipunan at Progreso sa Karapatang Pantao—70 Taong Paglagom at Prospek," ay nilahukan ng mga dalubhasa mula sa dalawang bansa. Kabilang sa mga pangunahing paksa ay ugnayan sa pagitan ng karapatang pantao at iba pang mga larangan na gaya ng pagpapahupa ng karalitaan, social security, sustenableng pag-unlad, paglaban sa terorismo at iba pa.
Ang porum ay nasa magkasamang pagtataguyod ng China Foundation for Human Rights Development at Friedrich Ebert Foundation ng Alemanya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio