Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Pilipino, pasusulungin sa 4 na aspekto – kasangguni ng estado at ministrong panlabas ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-03-20 17:35:06       CRI

Beijing – Sa preskon matapos ang pag-uusap nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA), ipinahayag ni Wang na naging mabunga, mapagkaibigan at malalim ang kanilang pag-uusap.

Sa patnubay aniya ng mahalagang pagkakasundo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, isusulong ang relasyong Sino-Pilipino sa susunod na yugto, sa apat na aspektong sumusunod: una, patuloy na palalakasin ang kooperasyong Sino-Pilipino sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI); ikalawa, patuloy na pasusulungin ang kooperasyong pandagat; ikatlo, patuloy na pasusulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya; at ikaapat, patuloy na pasusulungin ang multilateral na kooperasyon ng daigdig.

Sinabi ni Wang na kapuwa ipinalalagay ng dalawang panig na naging napakatagumpay ng ginawang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping sa Pilipinas noong nagdaang Nobyembre, kung saan napataas ang relasyong Sino-Pilipino sa komprehensibo't estratehikong kooperasyon.

Aniya pa, sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, imprastruktura, enerhiya, agrikultura, at pangingisda, inilaan ng dalawang bansa ang halos isang daang dokumentong pangkooperasyon.

"Ngayo'y ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner, pinakamalaking bansang pinag-aangkatan, at ikalawang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas," aniya.

Ipinaliwanag pa niyang, noong isang taon, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 55.7 bilyong dolyares, at ang pamumuhunan naman ng Tsina sa Pilipinas ay lumaki ng 83 beses kumpara sa taong 2017.

Inilahad ni Wang na ang bilang ng mga turistang Tsino na nagtungo sa Pilipinas ay umakyat sa 1.3 milyong person-time, na lumaki ng 30% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Bukod dito, mula aniya noong Enero ng kasalukuyang taon, ang mga prutas ng Pilipinas na tulad ng saging, pinya, at mangga ay nakapasok na sa malalaking supermarket sa iba't-ibang lugar ng Tsina.

Idinagdag pa niyang nitong nagdaang dalawang taong singkad, walang bayad na ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas ang 200 libong oriental spotted fish fingerlings at 10 libong freshwater fingerlings, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mangingisdang Pilipino. Ang mga halimbawang ito aniya ay nagpapakitang ang Tsina at Pilipinas ay hindi lamang magkapatid at maaasahang magkaibigan, kundi magkatuwang din para sa komong pag-unlad.

Ulat: Rhio
PhotoGrapher: Lito
Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>