Nakipagdiyalogo nitong Huwebes si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawang kalahok sa taunang pulong ng 2019 Boao Forum for Asia (BFA). Mahigit 200 kinatawan mula sa iba't ibang sektor na gaya ng negosyo, pinansya, media, at think tank ang nakipagpalitan sa premyer Tsino. Kabilang sa mga panauhin ay sina Leif Johansson, Tagapangulo ng AstraZeneca, British-Swedish multinational biopharmaceutical company; Myron Brilliant, Tagapagpaganap na Pangalawang Presidente ng U.S. Chamber of Commerce; Takeshi Uchiyamada, Chairman of the Board of Directors ng Toyota Motor Corporation; at iba pa.
Inulit ni Premyer Li ang pangako ng Tsina na ibayo pang magbubukas sa labas ang bansa. Diin din niya, binibigyan ng pamahalaang Tsino ng pantay na trato ang mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan, at pinangangalagaan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) alinsunod sa mga batas at regulasyon.
Ipinahayag naman ng mga panauhing dayuhan ang hangarin at karanasan ng kani-kanilang kompanya sa paggagalugad sa pamilihang Tsino at pakikipagtulungan sa mga counterpart na Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac