Mula ika-3 hanggang ika-5 ng buwang ito, idinaos sa Washington D.C., Amerika, ang ika-9 na round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan, sa pamumuno nina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa mga nilalaman sa binabalangkas na kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan sa mga aspekto ng paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa Intellectual Property Rights, non-tariff measures, sektor ng serbisyo, agrikultura, pagkabalanse sa kalakalan, mekanismo ng pagsasagawa ng mga hakbangin, at iba pa. Natamo nila ang mga bagong progreso.
Ipinasiya rin nilang, isasagawa pa ang pagsasanggunian hinggil sa mga naiwang isyu, sa pamamagitan ng iba't ibang mabisang paraan.
Salin: Liu Kai