Maalwang naisaoperasyon kamakailan ang unang tsanel sa subway project ng Rusya na itinatag ng China Railway Construction Corporation Limited (CRCC). Sinasagisag nito ang pagtatamo ng yugtong-bunga ng bahay-kalakal na Tsino sa isinasagawa nitong unang subway project sa Europa.
Gamit ng CRCC sa nasabing tsanel ang tunnel boring machine na "Polina" na sarilinan nitong sinubok-yari. I-uugnay ng tsanel ang metro station Prospekt Vernadskogo sa metro station Michurinskiy Prospekt ng Rusya. Ito ay may kabuuang habang 1460 metro, at lalim na 29.2 metro.
Salin: Li Feng