Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), noong ikalawang kuwarter ng taong ito, patuloy na lumaki ang proporsiyon ng RMB, salaping Tsino, sa kabuuang bolyum ng foreign reserve ng buong daigdig.
Ayon sa estadistika, hanggang noong ikalawang kuwarter ng taong ito, ang RMB assets sa foreign reserve ng iba't ibang bansa ay katumbas ng mahigit 193 bilyong Dolyares, at 1.84% ang proporsiyon nito sa opisyal na estadistika ng foreign reserve ng IMF. Noong katapusan ng nagdaang taon, ang bolyum ng RMB assets ay mahigit 123 bilyong Dolyares, at ang proporsiyon ay 1.23%.
Sa kasalukuyan, iniuulat ng 149 na bansa at rehiyon sa IMF ang kalagayan ng mga salapi na bumubuo ng kani-kanilang foreign reserve, at nabibilang ng IMF ang proporsiyon ng 8 salapi, na kinabibilangan ng US Dollar, Euro, Great Britain Pound, Japanese Yen, Swiss Franc, Australian Dollar, Canadian Dollar, at Renminbi.
Salin: Liu Kai