Bilang tugon sa kumpirmasyon ni Peter Wennink, Chief Executive Officer ng ASML, chip-making company ng Netherlands sa walang batayang ulat ng espiyonaheng panteknolohiya, sinabi nitong Lunes, Abril 15, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na panahon na para magpaliwanag hinggil dito ang diyaryong Olandes na nagsagawa ng nasabing ulat.
Noong nakaraang linggo, pinabulaanan ni Lu ang ulat na nagsasabing ninakaw ng isang mataas na empleyadong Tsino ang mga teknolohiya ng ASML at ibinigay sa pamahalaang Tsino. Pagkatapos, buong linaw na ipinahayag ni Wennink na walang batayan ang naturang ulat.
Inulit ni Lu na pagdating sa pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), seryoso ang atityud ng Tsina at epektibo ang mga aksyon nito. Muling ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino ang kahandaan ng bansa sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtutulungan hinggil sa IPR sa Netherlands at ibang pang mga bansang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio