Bukas na dininig, Marso 27, 2019 ng bagong Intellectual Property Court ng Korte Suprema ng Tsina ang unang kaso ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip, sapul nang maitatag ito, Enero 1, 2019.
Pinanatili ng nasabing hukuman ang naunang desisyon ng Intellectual Property Court sa Shanghai, na pumapabor sa Valeo Systemes D'Essuyage, kompanyang Pranses .
Ihinabla ng nasabing kompanyang Pranses ang dalawang kompanyang Tsino sa di-umano ay pagkopya ng mga ito sa mga disenyo ng una.
Ipinag-utos ng korte ang agarang pagtitigil sa nasabing ilegal na gawain, subalit umapela ang dalawang domestikong kompanya sa Korte Suprema ng Tsina.
Ang Valeo Systemes D'Essuyage ay isang kompanyang gumagawa ng bahagi ng sasakyan.
Salin:Lele