Binuksan nitong Lunes, Abril 22 sa Maynila ang dalawang araw na Boao Forum for Asia (BFA) Manila Conference, na may temang "Concerted Action for Common Development in the New Era." Kalahok dito ang mahigit 500 kinatawan ng pamahalaan, bahay-kalakal, media at iba pang sektor mula sa Tsina't Pilipinas.
Sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagtalumpati si Executive Secretary Salvador C. Medialdea. Ipinahayag ni Kalihim Medialdea ang pag-asang makukuha ng Pilipinas ang mas maraming pagkakataong dulot ng BFA para mapahigpit ang pragmatikong pakikipagtulungan sa mga bansa ng rehiyon at daigdig, sa mga masusing sektor na gaya ng imprastruktura at transportasyon.
Ipinahayag naman ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA ang kahandaan na pasulungin ang pagkakaroon ng pragmatikong bungang pangkooperasyon ng mga bahay-kalakal na Pilipino, kasama ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina at ibang mga bansa, sa pamamagitan ng plataporma ng BFA.
Lumahok din sa komperensya sina Ispiker Gloria Macapagal-Arroyo at Alfonso Cusi, Kalihim ng Kagawaran ng Enerhiya.
Salin: Jade
Larawan: Sissi
Pulido: Mac