Manila, Lunes, Abril 22, 2019—Nagtagpo sina Executive Secretary Salvador C. Medialdea ng Pilipinas at Zhou Xiaochuan, Pangalawang Tagapangulo ng Boao Forum for Asia (BFA) at Punong Kinatawan ng Panig Tsino.
Ipinahayag ni Zhou na aktibong pinapasulong ng BFA ang pagsasakatuparan ng mga bansang Asyano ng inklusibo't sustenableng pag-unlad, at pinag-uukulan ng pansin ang mga paksang gaya ng kompetisyong pang-ekonomiya, konektibidad na panrehiyon, reporma at pag-unlad ng pinansya at iba pa. Umaasa aniya siyang mapapalalim ang pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng mga mungkahing gaya ng Belt and Road Initiative, at mapapasulong ang pagsasama-sama ng kabuhayang panrehiyon.
Winewelkam ni Medialdea ang pagtataguyod ng BFA ng Manila Conference. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng katangi-tanging impluwensiya ng BFA, ilalatag ang bagong plataporma para sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at pagpapalitang komersyal ng Tsina at Pilipinas, maging ng Asya.
Salin: Vera