Sa kanyang talumpati ngayong araw, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tatlong mungkahi hinggil sa de-kalidad na magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.
Kabilang sa mga ito ay patuloy na pananangan sa mga prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag at magkakasamang pagbabahagi sa mga bunga; paggigiit sa ideya ng pagiging bukas, pagiging luntian at malinis na pangangasiwa; pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng mga may mataas na pamantayan at sustenableng target na kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng lahat ng mga kasaping bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio