Sa kanyang talumpati ngayong araw, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isasagawang patakaran at hakbang ng bansa para mapalakas ang pandaigdig na kooperasyon sa pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR).
Paliwanag ni Xi, kabilang sa naturang mga hakbang ay paglikha ng kapaligirang pangnegosyo na nagbibigay-galang sa IPR, pagpapabuti ng sistemang pambatas ng IPR sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pagpapatupad sa batas at pagpapaibayo sa proteksyon sa IPR ng mga bahay-kalakal na dayuhan, pagpapasulong ng pangangalaga sa mga lihim na komersyal, pagpapasulong ng mga may kinalamang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio