Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na buong taimtim na ipapatupad ng Tsina ang mga multilateral at bilateral na kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan sa ibang bansa, itatatag ang may binding-force na mekanismo ng pagpapatupad ng mga pandaigdigang kasunduan, at sususugin ang mga batas at regulasyon batay sa pangangailangan ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Ipinangako rin ni Xi, na aalisin ng Tsina ang lahat ng mga hakbanging humahadlang sa pantay na kompetisyon, pantay-pantay na pakikitunguhan ang lahat ng mga bahay-kalakal at negosyante, at pabubutihin ang kapaligirang pang-negosyo batay sa mga prinsipyo ng pamilihan, rule-of-law, at pasilitasyon.
Salin: Liu Kai