Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Abril 2019, sa Beijing, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang bansa na lumikha ng mabuting kapaligiran para sa pamumuhunan. Umaasa rin aniya siyang pantay-pantay na pakikitunguhan ng iba't ibang bansa ang mga bahay-kalakal, estudyante, at iskolar na Tsino, at magkakaloob ng pantay at mapagkaibigang kapaligiran sa kanila para sa pagsasagawa ng mga normal na aktibidad ng pagpapalitan at pagtutulungan.
Sinabi rin ni Xi, na ang mas bukas na Tsina ay gagawa ng mas mabuting interaksyon sa daigdig, para maging mas maunlad at masagana ang Tsina at daigdig.
Salin: Liu Kai