Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na palalakasin ng bansa ang koordinasyon sa iba pang mga ekonomiya ng daigdig kaugnay ng mga patakaran sa macro-economy, para magkakasamang mapasulong ang malakas, sustenable, balanse, at inklusibong pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati ngayong araw, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Dagdag pa ni Xi, hindi makakapinsala ang Tsina sa interes ng ibang bansa sa pamamagitan ng pagbababa ng halaga ng salaping Tsino. Sa halip, patuloy na pabubutihin ng bansa ang mekanismo ng pagbuo ng RMB exchange rate para mapasulong ang katatagan ng kabuhayang pandaigdig, diin ni Xi. Inulit din ni Xi ang suporta at aktibong pakikilahok ng Tsina sa reporma ng World Trade Organization para magkakasamang itatag ang pandaigdig na mekanismong pangkabuhaya't pangkalakalan sa mas mataas na antas.
Salin: Jade
Pulido: Rhio