Sa nakasulat na panayam ng mga Chinese media sa Thailand bago siya bumiyahe sa Tsina para dumalo sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), sinabi ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay nakapaglatag ng sustenableng balangkas na pangkooperasyon, at nakapag-alok ng mabisang multilateral na solusyon para sa magkakasamang pagharap ng iba't ibang bansa sa mga hamong dulot ng pabagu-bagong daigdig.
Palagay ng panig Thai na ang konektibidad ay isa sa mga mahalagang elemento ng pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad. Maaaring mabisang pababain ng Belt and Road Cooperation ang gastos sa logistics, padaliin ang pagpapalitan ng mga tauhan at inobasyon.
Dagdag niya, buong lakas na kinakatigan ng kanyang bansa ang BRI, dahil makakatulong ito sa pagpapasulong sa paglago ng kabuhayan ng Asya, maging ng buong daigdig.
Salin: Vera