Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Ramon Lopez: kailangan ng mundo ngayon ang leadership o pamumuno na kontra-proteksyonismo

(GMT+08:00) 2019-04-27 14:15:16       CRI

Sa kanyang panayam sa media Abril 26, 2019 pagkatapos ng pagsaksi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa palitan ng mga kasunduang pang-negosyo ng mga kumpanyang Pilipino at Tsina, sinabi ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI) na kailangan ng mundo sa ngayon ang leadership o pamumuno na kontra-proteksyonismo.

Bilang reaksyon sa keynote speech ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRI), sinabi ni Kalihim Lopez na naniniwala siyang nais ni Pangulong Xi na magkaroon ng mas malaking responsibilidad ang Tsina ngayong ito ay isa nang malakas na pwersang ekonomiko sa mundo. "Siya ay kontra sa proteksyonismo. Siya ay naniniwala sa inklusibong globalisasyon gaya ni Pangulong Duterte. Ito ang uri ng pamumuno na kailangan ng mundo ngayon," saad niya sa wikang Ingles.

Sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina, aniya ang mga kompanyang Tsino ay hinihimok na maghanap ng mga pagkakataon sa labas ng bansa. Sa tulong nito, ang mga kompanyang Tsino ay hinihimok na positibong tingnan ang Pilipinas at pabilisin ang pamumuhunan sa bansa. "At sa mga kumpanyang nakausap namin, gusto nilang tapusin o magkaroon ng resulta ang mga proyekto sa loob ng termino ni Pangulong Duterte," sinabi niya.

Hinggil sa di umano'y pagiging "debt trap" ng mga proyektong BRI, sinabi ni Lopez na ang mga terms o nilalaman ng mga pautang o concession agreements ay hindi nangangailangan ng government guarantee, wala ring hinihinging guarantee on revenue at guarantee on income na noon ay napapaloob sa mga naunang concessions o loans na pinasok ng Pilipinas sa ibang bansa o financing institutions. Aniya, "Ang bawat pautang ay tinatakalay o negotiated kaya ang mga nilalaman ay mas paborable. Hinggil sa debt trap, kung estadistika ang batayan, nasa 0.66% lamang ang loans mula sa Tsina, mas maliit sa 1%. Inaasahang sa taong 2022, kung lahat ng pautang ng Tsina ay maisasayos ang datos ay aabot lamang sa 4.5%."

Halos $12.6 bilyong halaga ng pamumuhunan at kasunduang pang-negosyo ang nilagdaan kahapon sa Beijing sa pagitan ng mga Pilipino at Tsinong negosyante. Sumaksi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapalitan ng 19 na mga kasunduan na ginanap sa Grand Hyatt Hotel. Ayon sa mga opisyal na Pilipino tinatayang lilikha ang mga kasunduang ito ng higit na 20,000 trabaho sa bansa.

Ibinahagi rin ni Kalihim Lopez ang muling paglahok ng Pilipinas sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE) sa darating na Nobyembre. Aniya, doble ang laki ng partisipasyon ng Pilipinas sa nasabing ekspo sa Shanghai.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Wang Le
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>