|
||||||||
|
||
Halos $12.6 billion halaga ng pamumuhunan at kasunduang pang-negosyo ang nilagdaan kahapon, Abril 26, 2019 sa Beijing sa pagitan ng nga Pilipino at Tsinong negosyante. Sumaksi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapalitan ng 19 na mga kasunduan na ginanap sa Grand Hyatt Hotel.
Sa kanyang remarks, ibinahagi niyang masaya siyang saksihan ang pagpapalitan ng mga napirmahang mga kasunduan. Ito aniya ay vote of confidence o pagpapakita ng kompyansa sa paglago at prospek ng ekonomiya ng Pilipinas na lubos na ipinagpapasalamat ng kaniyang pamahalaan.
Ang Tsina ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas at pinagmumulan ng malaking halaga ng dayuhang pamumuhunan. Ang Belt and Road Initiative (BRI) ay angkop sa Build Build Build program at dala nito ay puwersang magsusulong sa pagpapa-unlad ng imprastruktura.
Ibinahagi niyang may mga plano para i-debelop ang mga industrial park at ang una ay itinatayo sa kasalukuyan sa New Clark City. Saad ng pangulo na, winewelkam ng Pilipinas ang mga responsableng dayuhang mamumuhunan bilang katuwang sa pambansang kaunlaran
Pangako ni Duterte, sisiguruhin ng pamahalaang Pilipino sa pamamagitan ng good governance ang pagkakaroon ng kapaligiran na tutulong sa paglago ng mga negosyo. "Hindi ko papayagan ang katiwalian sa aking pamahalaan," aniya sa wikang Ingles. Inilahad din niyang pinagtitibay ng Pilipinas ang mga patakaran at regulasyon upang ipromote ang madaling proseso ng pagnenegosyo.
Bilang pagtatapos, sinabi ng pangulo na ang lumalaking economic exchanges ay patuloy na magpapalakas sa pagkakaibigan ng dalawang bansa. Pinasalamatan niya ang mga negosyante sa pagiging katuwang ng pamahalaan sa paghahangad ng inklusibong kaunlaran at kasama sa pagkamit ng pinagbabahaginang kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan.
Ulat : Mac Ramos
Larawan : Lele Wang
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |