Binuksan kahapon, Lunes, ika-29 ng Abril 2019, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, ang magkasanib na pagsasanay-militar sa dagat ng Tsina at Rusya, na may codename na "Joint Sea-2019."
Tatagal ang pagsasanay na ito hanggang ika-4 ng Mayo. Ang unang dalawang araw ay para sa mga aktibidad ng pagpapalitan sa puwerto at baybayin. Ang mga susunod na araw naman ay para sa pagsasanay sa dagat. Lalahok dito ang 15 bapor na kinabibilangan ng 2 submarine, at mga naval aircraft ng Tsina at Rusya, at magsasagawa ang dalawang panig ng mga pagsasanay hinggil sa paghahanap at pagliligtas, paglaban sa submarine, pagtatanggol sa himpapawid, at iba pa.
Salin: Liu Kai