Ipinahayag Pebrero 21, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na pinapupurihan ng Tsina ang pahayag ni Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya hinggil sa relasyon ng Rusya at Tsina.
Sa isang talumpati, tinukoy ni Putin na pinahahalagahan ng Rusya ang relasyon sa Tsina, aniya, ang pantay-pantay at may mutuwal na kapakinabangang relasyon ng dalawang bansa ay mahalagang elemento ng katatagan ng daigdig, ito ay modelo ng mainam na kooperasyong pangkabuhayan at nakakabuti rin para sa seguridad ng Europa at Asya.
Salin:Lele