Lunes ng umaga, Abril 29, 2019, sa panahon ng kanyang dalaw-pang-estado sa Tsina, naglakbay-suri sa Xiaqi Village ng Ningde City, Lalawigang Fujian ng Tsina, si Bounnhang Vorachit, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng bansa, para matutuhan ang karanasan ng Tsina sa pagsasagawa ng naaangkop na hakbangin sa pagpawi sa kahirapan.
Noong nagdaang mahigit 20 taon, nagtrabaho sa Lalawigang Fujian ni Xi Jinping, at pinag-ukulan ng pansin niya ang isyu ng pagpawi sa kahirapan. Paulit-ulit siyang naglakbay-suri sa mahihirap na purok sa silangang Fujian na gaya ng Xiaqi Village. Intersadong-intersado si Pangulong Bounnhang sa papel ng partido sa proseso ng pagpawi sa kahirapan. Aniya, nakita niya ang pagbabago at mahalagang pamumuhay sa Xiaqi Village, sa ilalim ng patnubay ng ideya ng pagsasagawa ng naaangkop na hakbangin sa pagpawi sa kahirapan na iniharap ni Pangulong Xi. Dagdag niya, napakahalaga ang matagumpay na karanasan ng Tsina sa aspektong ito, at dapat hiramin ng Laos ang mga magandang karanasan ng Tsina.
Salin: Vera