Vientiane, kabisera ng Laos—Nakipagtagpo Huwebes, Marso 7, 2019, si Bounnhang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng bansa, sa delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Wang Yajun, Pangalawang Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng CPC.
Saad ni Bounnhang, lubos na pinahahalagahan ng panig Lao ang pagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, at nakahandang malalimang pasulungin ang konstruksyon ng community with a shared future ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Wang na ipapatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga pangkalahatang kalihim ng dalawang partido, magkakapit-bisig na itatatag ang community with a shared future ng Tsina at Laos, para makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera