Martes, Marso 5, 2019, binuksan sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang organong pangkapangyarihan ng Tsina. Sa pamamagitan ng mobile app ng China Media Group, pinakinggan ni Sivilay Boutphomvihan, Tagapayo ng Sentro ng Pananaliksik sa Tsina ng National University of Laos, ang live coverage sa wikang Lao ng seremonya ng pagbubukas ng nasabing sesyon.
Si Sivilay Boutphomvihan (kaliwa) habang pinapakinggan ang live coverage sa wikang Lao ng seremonya ng pagbubukas ng taunang sesyon ng NPC
Ipinahayag niyang sa Government Work Report na ginawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pulong, ang tagumpay ng Tsina sa pagpawi sa kahirapan ay nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa kanya. Aniya, kagila-gilalas ang natamong bunga ng mga gawain ng pamahalaang Tsino noong 2018. Lalung lalo na, 13.86 milyong mamamayan sa kanayunan ng Tsina ang nai-ahon mula sa kahirapan noong isang taon, at 2.8 milyong katao ang inilipat sa ibang lugar, dahil sa di-mabuting kondisyon ng panirahan, napakalaki ng datos na ito, dagdag niya.
Saad ni Boutphomvihan, karapat-dapat na matutuhan at hiramin ng Laos ang karanasan ng pamahalaang Tsino sa pagbibigay-tulong sa mahihirap.
Salin: Vera