Pinasinayaan nitong Huwebes, Mayo 2, sa Davao ng Pilipinas at Indonesia ang magkasanib na pamamatrolya at pagsasanay militar sa Karagatang Sulu-Celebes. Layon nitong palakasin ang kooperasyon at kakayahan ng dalawang bansa sa magkasamang pangangalaga sa seguridad sa hanggahan ng dalawang bansa at pagbibigay-dagok sa pamimirata, pagpupuslit, at atakeng teroristiko.
Ito ang ipinatalastas ni Ezra Balagtey, Tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP). Nakatakdang lumahok sa pamamatrolya ang dalawang bapor na BRP Ramon Alcaraz mula sa Pilipinas at KRI Pandrong mula sa Indonesia.
Salin: Jade