Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-6 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang buong sikap na tatahak ang Tsina at Amerika tungo sa nagkaka-isang direksyon, para marating, batay sa paggalang sa isa't isa, ang kasunduan sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan.
Winika ito ni Geng, bilang tugon sa sinabi kahapon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na simula sa ika-10 ng buwang ito, ipapataw ng Amerika ang karagdagang taripa sa mga panindang Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong Dolyares.
Kaugnay naman sa nakatakdang iskedyul ng pagdalaw ni Pangalawang Premyer Li He ng Tsina sa Amerika para ipagpatuloy ang pagsasanggunian sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, sinabi rin ni Geng, na ginagawa ngayon ng delegasyong Tsino ang paghahanda para sa biyaheng ito.