Sa paanyaya nina Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika, dadalaw sa Amerika sa ika-9 at ika-10 ng buwang ito si Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika, para isagawa ang ika-11 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan.
Salin: Liu Kai