|
||||||||
|
||
New York, punong himpilan ng UN—Ipinagdiinan ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na dapat ipauna ang pulitika sa reporma ng misyong pamayapa ng UN para maisagawa ang mga operasyong pamayapa bilang suporta sa mga pagsisikap na diplomatiko, sa halip na kapalit ng nasabing pagsisikap.
Ito ang unang mungkahi na ipinahayag ni Guterres sa Pulong ng UN Security Council hinggil sa Reporma ng Misyong Pamayapa ng UN na idinaos Miyerkules, Setyembre 20.
Pulong ng UNSC hinggil sa Reporma ng Misyong Pamapaya (photo credit: Xinhua)
Si Pangkalahatang Kalihim Guterres sa Pulong ng UNSC hinggil sa Reporma ng Misyong Pamapaya (photo credit: Xinhua)
Iminungkahi rin niyang dapat may karapat-dapat na kagamitan sa mga operasyong pamayapa. Ang kaniyang ikatlong mungkahi ay dapat pangalagaan ang mga values ng UN at pawiin ang "sexual exploitation and abuse." Pang-apat, binigyang-diin niyang itatag ang mas malakas na partnership na gaya ng paglagda ng Joint United Nations-African Union Framework for Enhanced Partnership on Peace and Security na nilagdaan ng dalawang panig nitong nagdaang Abril.
Lumahok sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula sa limang pirmihang miyembro ng UNSC na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Tsina, Pransya at Rusya.
Ang misyong pamayapa ng UN ay nagsimula noong 1948. Sa kasaluluyan, mayroong kabuuang 15 peacekeeping task force sa iba't ibang lugar ang UN.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |