Magkasunod na inilabas kamakailan ng Johns Hopkins University at Rhodium Group ng Amerika ang mga ulat kung saan tumutukoy na madalas na pinapalaki o pinipilipit lamang ang debt risk kaugnay ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ayon sa ulat ng pananaliksik ng Johns Hopkins University, hanggang noong katapusan ng 2017, halos 17 bansang Aprikano na may mababang kita ay sumadlak o humaharap sa panganib ng "debt crisis," o may kahirapan sa pagbabayad ng utang. Pero ang Tsina ay hindi ang bansang tagapagpautang ng karamihan sa mga nasabing bansa.
Sa pamamagitan naman ng pananaliksik sa mahigit 40 kaso ng renegosasyon ng utang sa Tsina ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, nakita ng ulat ng Rhodium Group na medyo balanse para sa kapuwa panig ang resulta ng renegosasyon.
Salin: Vera