Sinabi Lunes, Mayo 13, 2019 sa Brussels ni Federica Mogherini, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo (EU), na nagbabala ang EU at mga kasaping bansa nito kay Mike Pompeo, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Amerika, na dapat magtimpi sa pinakamalaking digri ang Amerika, para maiwasan ang sagupaang militar sa Iran.
Nang araw ring iyon, nangulo si Mogherini sa pulong niya, kasama ng mga ministrong panlabas ng Pransya, Alemanya, at Britanya. Aniya, tinalakay sa pulong ang mga konkretong hakbangin sa pagpapasulong sa Instrument in Support of Trade Exchanges (INSTEX), upang mapasulong ang paggaganap ng transaksyon ng Europa at Iran, sa pamamagitan ng nasabing mekanismo, sa darating na ilang linggo.
Ang INSTEX ay isang settlement mechanism na itinayo ng Pransya, Alemanya at Britanya para sa kalakalan sa Iran. Tinutulungan nito ang mga Europeong bahay-kalakal na ipagpatuloy ang kalakalan sa Iran, liban sa unilateral na sangsyon ng Amerika sa Iran.
Salin: Vera