Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na batay sa magkahawig na kasaysayan at hangarin, dapat buong sikap na tupdin ng iba't ibang bansang Asyano ang pangarap ng kani-kanilang mga mamamayan para sa maligayang pamumuhay.
Ipinalalagay ni Xi, na hinahangad ng mga mamamayang Asyano ang isang Asyang may kapayapaan, katahimikan, komong kasaganaan, pagbubukas, at konektibidad. Nanawagan siya sa iba't ibang bansang Asyano, na igiit ang paggagalangan, pagtitiwalaan, mabuting pakikipamuhayan, at diwa ng pagbubukas, para magdulot ng mas mabuting pamumuhay sa kani-kanilang mga mamamayan, at magkakasamang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya.
Salin: Liu Kai