Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na para harapin ang mga komong hamon, kinakailangan ng sangkatauhan ang iba't ibang lakas sa kabuhayan, siyensiya, at teknolohiya, pati rin sa kultura at sibilisasyon.
Dagdag niya, layon ng CDAC na magkaloob ng bagong plataporma sa iba't ibang bansa ng Asya at buong daigdig para sa pagpapalitan at pag-aaral ng sibilisasyon ng isa't isa.
Salin: Liu Kai