Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagkakapantay-pantay at paggagalangan ay dapat itaguyod, at ang pagmamalaki at pagkiling naman ay dapat itakwil sa proseso ng pagpapalitan at pag-aaral ng mga sibilisasyon ng isa't isa.
Sinabi rin ni Xi, na walang katataasang-antas o kababaang-antas ang mga sibilisasyon. Tanga at mapanganib aniya ang palagay na ang sariling sibilisasyon ay nasa mas mataas na antas kaysa ibang mga sibilisasyon, at kagustuhang baguhin o halinhan ang ibang mga sibilisasyon.
Salin: Liu Kai