Ipinahayag Miyerkules, Mayo 15, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat palakasin ng sibilisasyong Asyano ang sibilisadong kompiyansa, at dapat ding igiit ang pakikipagpalitan sa iba pang sibilisasyon sa daigdig para ipagpatuloy ang bagong maluningning na sibilisasyong Asyano.
Ani Xi, ang Asya ay isa sa mga pinakamaagang lugar na panirahan ng sangkatuahan. Ito rin aniya ay mahalagang pinagmumulan ng sibilisasyon ng sangkatauhan. Sa proseso ng ilang libong taong pag-unlad, nakalikha ang mga mamamayang Asyano ng maluningning na bungang sibilisado. Nagsa-sama-sama ang iba't-ibang uri ng sibilisasyon sa Asya na nakalikha ng bagong epikong pag-unlad ng sibilisasyong Asyano, dagdag niya.
Salin: Li Feng