Idinaos kahapon, Biyernes, ika-17 ng Mayo 2019, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, Amerika, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang preskon para ilahad ang paninindigan ng panig Tsino sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan kasama ng Amerika.
Sinabi ni Ma, na batay sa komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika noong Disyembre 2018 sa Argentina, isinagawa ng dalawang panig ang mga round ng pagsasanggunian hinggil sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, iginigiit ng Tsina ang paninindigan sa paglutas ng alitan sa pamamagitan ng diyalogo, at aktibong lumalahok ang bansa sa pagsasanggunian sa pamamagitan ng pinakamalaking tiyaga at katapatan, para tugunin ang komong interes ng dalawang panig. Pero aniya, sa kabila ng katapatan ng panig Tsino at prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, tuluy-tuloy na ipinapataw ng Amerika ang presyur sa Tsina, inihaharap ang mga di-makatwirang kahilingan, at pinasisidhi ang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa. Dapat aniya ganap na managot ang Amerika sa kasalukuyang tensyon sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Ma, hindi susuko ang Tsina sa anumang presyur mula sa labas, at may determinasyon at kakayahan ang bansa na ipagtanggol ang sariling mga lehitimong karapatan.
Salin: Liu Kai