Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-17 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na lubos na pag-aaralan ng panig Tsino ang mga posibleng epektong dulot ng pagpapataas ng Amerika ng taripa sa mga panindang Tsino, at ilalabas ang mga katugong hakbangin batay sa pangangailangan, para igarantiya ang mabuting takbo ng kabuhayang Tsino. Samantala, binigyang-diin niyang, nasa kontrol ang epekto sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino na dulot ng alitang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Muli ring ipinahayag ni Meng ang pagtutol ng panig Tsino sa pagpapataas ng Amerika ng taripa sa mga panindang Tsino. Dagdag niya, dapat buong husay na gawin ng Tsina ang sariling mga usaping pangkabuhayan, bilang pinakamabuting pagharap sa naturang hakbangin ng Amerika.
Salin: Liu Kai